Matindi ang reinforcements ng Power Smashers, bukod sa veterans ay napagkampeon pa nina Thai netters Amporn Hyapha at Kannika Thipachot ang Cagayan Valley sa Shakey’s V-League.
Sa Premier Volleyball League Reinforced Conference na magsisimula sa Linggo sa The Arena, San Juan, markado ang dalawang hugot ng Power Smashers.
Ayon kay coach Nes Pamilar kailangan tumulong ang kanilang locals.
“Kondisyon ang imports namin, kailangan lang na makakuha sila ng tulong mula sa mga local players namin,” wika ni Pamilar, dalawang linggo na nang ine-ensayo ang koponan.
Ang ibang miyembro ng Power Smashers ay sina Jovielyn Prado ng Arellano U, Dimdim Pacres at Alina Bicar ng UST, at Vira Mae Guillema at Katherin Villegas ng San Sebastian.
Umaasa si Pamilar na makakakuha ng malaking tulong ang kanyang imports kina Pacres at Bicar pagharap nila sa mga bigating teams tulad ng Creamline na ibabandera si volleyball superstar Alyssa Valdez at defending champion Pocari Sweat.