Thai hit movie parating sa ‘Pinas

Parating na sa Pilipinas ang tinaguriang “Highest Grossing Thai Film ng 2019.” Tiyak na maraming mga Pinoy ang makaka-relate sa istorya na na-in love ang isang tao sa kanyang matalik na kaibigan.

Ang pelikulang “Friend Zone” ang sasagot kung pananatilihin ang pagkakaibigan at kung ano ang mangyayari sa oras na may iba ng mahal ang kaibigan.

Iikot ang kuwento sa mundo ni Palm na halos 10 taon nang na-friend zone ng kaibigan niya na si Gink. High school pa lamang sila noong umamin siya sa kaniyang tunay na nararamdaman kay Gink, subalit pagkakaibigan lang ang nais nito.

Ang pelikula ay pinagbibidahan nina Naphat Siangsomboon at Pimchanok Luevisadpaibul. Ito ay mula pa sa mga producer ng “Bad Genius” at “Brother of the Year.”

Kasama rin sa theme song at music video ang Filipina actress na si Claudine Barretto na mayroon ding cameo sa hit film. Ang pelikula ay nasa direksyon ni Chayanop ‘Mu’ Boonprakob.

Kabilang din sa gaganap ay si Jason Young at ang mga guest singers ng pelikula ay mula pa sa China, Cambodia, Indonesia, Laos, Vietnam, Malaysia, Myanmar at Vietnam.

Ang Friend Zone ay may markang “PG” at ilalabas sa buong Pilipinas sa darating na April 10. Showing din ito sa 13 na bansa. (Ronaline Avecilla)