Thais nais i-host ang 2026 Youth Games

Ipinamalas ng Thailand ang paghahanda para sa mas nais na maitaguyod na mga malalaking pandaigdigang kompetisyon.

Ito ay matapos na sumali ang bansa sa pagbalikat sa 5th Summer Youth Olympic Games 2026.

Isang komite ng kompetisyon ang nag-analisa para sa bid sa quadrennial sports event ang naghayag sa proposal para sa joint candidacy ng Bangkok at Chonburi.

Ayon sa Thai newspaper Daily News, sinabi ni Sports Authority of Thailand Gov. Kongsak Yodmanee, na plano na nilang ipadala ang intensiyon sa pag-bid sa International Olympic Committee (IOC) ngayong linggo.

“It has to be done urgently, catch up with India,” aniya sa bidding papers at sa Indians na isa ring naghahanmgad sa hosting rights sa 2026 Games.

Magiging slogan ng Thais ang “Youth Olympic Games by Youth with Youth for Youth”.

Ang Thailand ang pinakainaasahang sasali sa bidding nations para sa 2026 Youth Games, bukod pa sa Colombia at Russia.

Ang Bangkok ang inaasahang magiging main hub habang ang Chonburi, na mahigit 100 kilometro na nasa southwest ng capital, ang magsasagawa ng ng ilang sports event.

Hindi pa inihahayag ng IOC kung kailan kilalanin ang magiging host, pero may apat-limang taon ang mga siyudad na malaman ang Games hosting kaya tinatayang ihahayag ang bid winner sa 2021-22.

Ang Colombian Olympic Committee ang pangatlong nagkumpirma sa bidding noong Pebrero makaraan ang India noong Abril 2018, at Kazan noong Disyembre . (Lito Oredo)