The Gold Squad bumawi sa pamilya

NI: VINIA VIVAR

Ano-ano nga ba ang pinagkakaabalahan ng The Gold Squad na sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Kyle Echarri at Francine Diaz during the enhanced community quarantine?

Nag-guest sa Magandang Buhay via video call ang apat at ibinahagi sa manonood ang kanilang mga ginagawa ngayong nasa bahay lang sila.
Ayon kay Andrea, nakakatulong na raw siya ngayon sa gawaing-bahay na dati ay hindi niya nagagawa dahil lagi siyang wala sa bahay at nagtatrabaho.

“Ako po kasi before nung nagwo-work ako, halos everyday pag-uwi ko po, gabi na po, tapos patulog na ang mga kapatid ko. Sila po usually ang gumawa ng chores.

“Ngayon po tumutulong na ako. Minsan, alternate kami ng ate ko na naghuhugas. Tapos kapag nauubos na po ‘yung mga pambahay ko, naglalaba na rin po ako, tapos nagluluto.

“So, ‘yun po, mas nagagawa ko na po ‘yung chores ngayon kasi nasa bahay lang po ako ngayon,” sey ni Andrea.

Si Francine naman, ngayon daw ay mas marami na siyang oras para sa pamilya.

“Ako naman po since ‘yun nga rin po, kasi busy dati dahil sa trabaho, aalis ako, tulog sila, uuwi ako, tulog sila. So ngayon po mas nakakapag-spend ako ng time. Lagi kaming nanonood ng movie. Tapos naglalaro kami ng mga kapatid ko, tapos po, nagluluto rin kami ng meryenda nina ate,” ani Francine.

Same with Seth na nagbabawi rin ng oras sa pamilya ngayon.
“Dito lang po sa bahay. Kasi ngayong quarantine parang ito na ‘yung time para bumawi. Kung baga kasi, malayo ako sa kanila nung may trabaho. So, ngayon, nun’g nandito na ako sa bahay, bumabawi ako ng time. ‘Yung matagal kong hindi sila nakasama kumbaga isang beses lang sa isang buwan, ngayon araw-araw, sinusulit ko.”

Si Kyle naman ay masaya rin na kasama niya ang pamilya sa Cebu.
“I was very sad kasi I didn’t get to spend time with Bella (his sister) and my family. Pero ngayon sobrang masaya po ako dahil magkasama kami sa isang bahay. I’m with my dad again finally here in Cebu and we are all together,” sabi ni Kyle.