THE LEGEND VS THE CHAMP

pacquiao-vargas

Dalawa sa pinaka-astig na Filipino sa iba­baw ng ring ang lalaban ng back-to-back kontra matitikas ding kalaban sa “The Legend vs. The Champ” sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada sa Nov. 6 (Manila time).

Babalik si eight-division champion Manny Pacquiao para paypayan ang Philippine boxing sa world arena. Haharapin ni Pacman si WBO welterweight champion Jessie Vargas sa “The Le­gend vs. The Champ”.

Co-fighting sa main event si four-division champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire, itataya ang kanyang WBO super bantamweight crown laban kay unde­feated Jessie Magdaleno.

Ayon kay Top Rank promoter Bob Arum, bago nabuo ang idea ng laban ay ang People’s Champ at The Filipino Flash na ang naisip nila.

“We are looking to do something really specta­cular for all Filipino people,” pahayag ni Arum kay Bev Lorente ng Balitang America.

Nag-retiro si Pacquiao (58-6, 38 knockouts) nang matalo kay Floyd Mayweather, Jr., pero na­kabalik. Ilalabas muli niya ang lakas ng kamao at bilis ng galaw laban kay ri­sing star Vargas (27-1-10).

Mahaharap si Donaire (37-3, 24 KOs) sa pinakamatinding pagsubok laban kay Magdaleno (23-0, 17 KOs).

Mapapanood ang ­laban live ng 4 a.m. sa KSA at 5 a.m. sa Dubai (may replays) via TFC.tv.

Ang PPV subscription ay sa SAR at AED 80. Available din sa OSN, ELife at Mozaic TV Powered by Ooredoo.

Sa karagdagang impormasyon: emea.kapa­milya.com o facebook.com/­TFCMiddleEast o IG at Twitter @KapamilyaTFC.