Tumpak ang leakage kaugnay sa 7th season finale ng Game Of Thrones.
Nagsiping na ang magtiyahing sina Jon Snow at Daenerys Targaryen.
Tigok na si Littlefinger at nagkaayos ang mag-ateng Sansa at Arya Stark.
Bumagsak ang Wall habang nakasakay ang Night King sa dragon na si Viserion.
***
NANGUNA pa rin sa takilya ng North America last weekend ang action-comedy na The Hitman’s Bodyguard.
Tinatayang naka-$10M ito mula Biyernes hanggang Sabado.
***
Sa Oktubre 3 nakatakdang mabili ang bagong nobela ni Dan Brown na Origin.
Bida pa rin sa istorya si Robert Langdon.
***
Balik-tambalan sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga sa pelikulang Last Night.
Isa raw itong “dark rom-com.”
***
Ariba sa ratings ang afternoon TV series ng GMA 7 na Ika-6 Na Utos (Sunshine Dizon & Ryza Cenon) at Impostora (Kris Bernal).
Maski sa Kantar Media eh ratsada ang mga ito.
Kaya habang umaarangkada, pahaba nang pahaba ang istorya ng mga ito.
***
Aanga-anga ang hosts at judges sa ng segment ng isang daily TV show.
Kahit tama ang sagot ng contestant sa enumaration, sinabi ng hosts ng mali.
Pinalampas naman ‘yun ng supposedly judges na tatawa-tawa lang.
***
Ayaw aminin ng isang magandang aktres ang pagiging Sugod Queen.
Hindi kasi iyon makakatulong sa image niya.
Paano pa siya kukuning endorser ng mga produkto kung mabubunyag ang pagiging guerrera niya, kesehodang ipinaglalaban lang niya ang kanyang karapatan?
***
Matapos magpasiklab ang Team Nguso ni Ronald Mendoza Cristobal, ang Shobilicious Hunks naman ni Shobi Dionela ang magpapakitang-gilas sa 3rd season ng Last Man Standing sa Sabado night sa One 690, 39 Roces Ave., QC.
Iho-host pa rin ito ni Genesis Gallios.