“They called themselves men… Ganyan ba ang mga lalaki? They are fools, they are cowards and they are liars!”

Ganito tinawag kahapon ng emosyonal na si Senadora Leila­ De Lima­ si Pangulong Rodrigo­ ­Duturte at mga kapanalig nito partikular­ si Secretary­ Vitaliano Aquirre na ­patuloy umano siyang pinagkaisahang idiin sa umano’y illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Ayon sa senadora, sobra-sobra na ang panggigipit sa kanya na halos lahat na lamang ay ibinibintang sa kanya, ang pinakahuli ay ang sinasabing nawawalang P300 milyon mula sa isinagawang raid sa NBP noong 2014 na umano’y nasa kanya.

“Masyado na nila akong ginigipit. Lahat na lang s­inisi sa akin, kung anu-ano na lamang ang mga imbento niyo sa akin tulad niyang P300 milyon na ‘yan,” ayon­ pa sa senadora na tuluyan na ring bumigay at hindi na mapigilan ang kanyang emosyon dahil sa labis na sama ng loob.

Aminado ang sena­dora, na hindi na niya alam ang kanyang gagawin dahil lubhang apek­tado na ang kanyang normal­ na buhay at kanyang pamil­ya at higit sa lahat ang kanyang kalusugan na dahil sa sobrang pag-iisip ay hindi na siya nakakatulog nang maayos at kumpleto.

Ngunit sa kabila nito, giit ng senadora, hindi siya aatras at tuloy siyang lalaban.

11 Responses

  1. lam nyo dapat di na nila kinalaban si de lima kasi yung tao ginagawa lang trabaho nya , ngayon kung talagang walang extra judicial killings na sangkot si pangulo then be it . di yung ginagantihan kaagad nila at nagpapabricate sila ng kasiraan o anything against her . kasi kung di naman mapatuyan yung extra judicial killings , sino ba makikinabang di ba si pangulo din at wala ka na madidinig pa from united nations , dahil inimbistigahan then wala naming napatuyan di ba …

    1. hindi cia ginagantihan. nka link tlga siya. mghintay ka lamang. iyun ay darating. sapagkat bilang na ang maliligayang araw nya. at kakanta na ung Hari ng selda. hehehe

    2. nagpa-pabricate? eh hindi ba trabaho ang ginagawang imbestigasyon ng kamara? ni Aguirre? ibabalik ko sa yo: “ngayon kung talagang walang kaugnayan si de limaw sa bilibid drug trade then be it. kasi kung di naman mapatunayan yung koneksyon nya sa kalakalan ng iligal na droga sa bilibid, sino ba makikinabang di ba si de limaw din at wala ka nang maririnig pa sa mga drug lords at sa doj dahil inimbistigahan then wala namang napatunayan.” NAPUNA MO KINOPYA KO HALOS ANG SINABI MO? NA-ANALYZE MO?

  2. Ituloy mo ang laban mo Senador Delima. Huwag mong pababayaan na sirain nila ang prinsipyo mo. Darating din ang araw na magigising sa katotohanan yung mga taong nagbubulag bulagan sa mga nangyayari sa bansa. Tingnan mo ang nangyari sa Myanmar ngayon.

    1. Yes, Totoo ang sinasabi mo balang araw ay magigising rin sila. Ibig sabihan niya ay ikaw balang araw magigising at maliliwanagan ang katotohanan. Tigil mo ang droga malalaman mo ang katotohanan.

      1. Hindi ako nag do droga Mr pogi. Kaya nga nagpa sorry sa akin si Duterte dahil pumalpak daw sila sa paglalagay ng pangalan ko sa matrix na iwinagayway ni Duterte na apat na beses daw na validate bago umabot sa final validation bago niya inilabas sa media.

      1. Gising na gising ako kaya nga nakikita ko kung papaano ang ginagawa ng buong alipores ni Duterte na pawang mga lalake pa na pinagtutulungan nila ay isang babae. Sandamakmak na mga lalake mukhang hindi kayang itumba ang isang babae. Natatawa na nga lang ako.