Mukhang may katotohanan ang balita na nagkakaigihan umano ngayon ang lead stars ng “The Better Woman” na sina Derek Ramsay at Andrea Torres at ito’y base na rin sa actions ng dalawa.

It was only last April nang pumirma ng kontrata si Derek sa GMA at kasama pa noon ng aktor ang kanyang long-time (ex) girlfriend na si Joanne Villablanca pero days or weeks after the contract-signing ay nagkahiwalay ang dalawa.

At kung pagbabasehan ang cryptic posts ni Joanne, lumalabas na merong third party sa kanilang paghihiwalay. Si Andrea kaya ‘yon?

Mukhang nagka-debelopan sa set ng “The Better Woman” sina Derek at Andrea. Hindi naman kataka-taka dahil sa kanilang mga steamy love scenes sa serye plus ‘masarap’ umanong boyfriend si Derek base sa description sa kanya ng ex-girlfriend na si Angelica Pa­nganiban.

Kung totoong may relasyon na ngayon sina Derek at Andrea, ang bilis namang nakapag-move on ng aktor sa breakup nila ni Joanne. Inakala noon ng marami na mauuwi sa altar ang relasyon ng dalawa. Umabot din ng halos six years ang relasyon ng dalawa.

Samantala, marami rin ang nagsasabi na takot na umano si Derek na magpa­kasal matapos ang kanyang first controversial marriage sa kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly na nauwi pa sa demandahan. Tumagal lamang ng halos isang taon ang marriage ng dalawa pero nagkaroon sila ng anak, ang kanilang teenage son na si Austin na naka-base sa Dubai.

Matapos magkahiwalay sina Derek at Mary Christine, na-link ang una sa iba’t ibang babae and this includes Solenn Heussaff, Anne Curtis, ang non-showbiz na si Alexa Ramos, Angelica Panganiban, Cristine Reyes at ang pinakahuli ay ang modelong si Joanne Villablanca.

Gloria walang balak magretiro

Wala pa sa bokabularyo ng movie queen na si Gloria Romero ang pagreretiro kahit 85 years old na siya (going 86 on December 16).

“Hangga’t may dumara­ting na offer for a TV or movie project, hangga’t kaya pa ng katawan ko at hangga’t kaya ko pang i-memorize at i-deliver ang mga lines ko, hindi ako hihinto,” pahayag ng award-winning movie icon.

Pinasyalan namin ang ever amiable movie and TV icon na si Gloria sa kanyang tahanan in New Manila, Quezon City para sa aming rare one-on-one interview sa kanya para sa “Celebrity Talk” online show on Abante Tonite. Mapapanood ito sa Facebook Live at YouTube Channel.

Tunghayan po ninyo bukas, araw ng Lunes, August 5, mula alas-12 ng tanghali hanggang ala-1:00 ng hapon. Alamin kung paano siya nagsimula sa showbiz at ang kanyang naging buhay dito sa loob ng mahigit anim na dekada.

Panoorin din po ninyo sa FB at YouTube channel ng Abante Tonite ang ­aming mga naunang tsikahan with Concert Queen Pops Fernandez; beauty czar, TV host and philanthropist Mader Ricky Reyes at ang aming magkakahiwalay na panayam kina Ara Mina, Barbie Imperial at ang CEO cum body-builder champion ng Skyjet Air na si G. Patrick Paul Tan.