Muling nagparamdam si Ferdinand “Thirdy “Ravena III sa posibilidad na maglaro sa bagong buo lang na Japan Basketball League (JBL).
Ito ay matapos na maging panauhin ang Gilas Pilipinas pool member at three-time UAAP Finals MVP sa bagong online series ng East Asia Super League na ‘Ballerific’ kasama ang dalawa na sikat na player sa Japan.
“I know that I’m going to love Japan, for sure,” sambit ni Ravena habang kasama ang baguhag manlalaro na Japan B League na si Kai Toews, at si Tomoyan, na isang basketball Youtuber na nakatapat na sa ilang NBA player.
Hindi sumama sa isinagawang PBA draft si Ravena dahil sa pagnanais makapaglaro muna sa internasyonal na mga torneo bilang miyembro ng Gilas Pilipinas sa ibang liga sa labas ng bansa, kasama rin ang offer ng ilang Japanese teams.
Isa si Ravena nasa Gilas pool para sa 2023 World Cup sa bansa, Indonesia at Japan. (Lito Oredo)