May panibagong armas ang Gilas Pilipinas sa katauhan ng dalawang premyadong amateur player sa bansa.

Kinumpirma ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio na kasama na sa Gilas Pool si Ateneo star Thirdy Ravena.

Kasama rin nito sa pool ang University of the Philippines defender na si Jaydee Tungcab.

“We’re adding Thirdy and Tungcab to the lineup,” saad ni Panlilio.

Matatandaan na nag-skip ng PBA Draft si Thirdy, pagtutuunan ng pansin ang training abroad ngunit prayoridad pa rin ang national team.

Si Tungcab naman ay isang malupit na defender para sa UP.

“(Coach) Tab (Baldwin) is helping us craft the program, on the development of the pool that what we have,” ayon pa kay Panlilio.

Sasamahan ng dalawa sa Gilas pool ang tumungtong na sa PBA na sina Isaac Go, Rey Suerte, Allyn Bulanadi, at magkapatid na Matt at Mike Nieto. (Ray Mark Patriarca)