Thomas buenas, Lakers malas

isaiah-thomas

Solido ang debut ni Isaiah Thomas suot ang purple and gold jersey, pero hindi naisalba ang Los Angeles Lakers sa 130-123 pagyuko sa dinayong Dallas Mavericks, Sabado ng gabi.

Pinamigay ng Cleveland sa Los Angeles bago natapos ang trade deadline noong Pebrero 8, garahe rin si Thomas ng six assists pero may six turnovers.

Sa first half ay may 16 markers na si IT mula sa 5-of-8 shooting, pero nanlamig sa second half nang dalawa lang sa apat na tira ang naipasok.

Tumapos si Thomas ng 22 points sa 7-of-12 overall shooting.

Naselyuhan ang talo ng Lakers nang mawala ang bola kay Thomas kulang 1 minuto na lang sa laro. Hindi naging maganda ang resulta ng isa sa kanyang signature move na jump pass at napunta sa Mavericks ang posesyon.

Noong summer, pinamigay ng Boston sa Cavaliers si Thomas kapalit ni Kyrie Irving. Pero nang hindi gumana ang plano, pinadala naman siya sa Los Angeles.

Hindi pa 100 percent na nakaka-recover si Thomas mula sa hip injury na kinailangan niyang ipahinga nang pitong buwan.

Sigurado, gagamitin ni IT ang natitira pang mga laro sa 2017-18 season para patunayan na may ibubuga pa siya, hindi damaged goods.

Tumapos si Dirk Nowitzki ng season-high 22 points, nagdagdag si Harrison Barnes ng 21 sa Maverick