Kuwestiyonable ang estado ni Isaiah Thomas para sa NBA Playoffs first round opener ng Boston Celtics at Chicago Bulls makaraang mamatay ang kanyang ate sa kakila-kilabot na aksidente sa kotse, Linggo (Manila time) sa Washington.
Sa report ng Tacoma News Tribune, sinabi ng Washington State Patrol na natagpuang patay si Chyna Thomas, 22, sa naganap na one-car accident bandang alas-singko ng umaga sa Interstate 5 ng Federal Way sa Tacoma at Seattle.
Ayon sa mga nakasaksi, normal lang ang takbo ng kotse bago ito napadpad at sumampa sa isang barrier na naging sanhi sa pagkawasak ng automobile.
“We are terribly saddened by the tragic loss of Chyna Thomas. The thoughts and prayers of the entire Celtics organization are with Isaiah and his family,” saad ng Celtics sa pinalabas na pahayag.
Pero wala pang pasabi ang team sa status ni Thomas para sa Game One ng Celtics-Bulls series.