Humambalos ng 28 points si import Channon Thompson at sinagasaan ng Motolite ang Pacific Town Army, 25-23, 21-25, 17-25, 25-21, 15-13, sa Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference 2019 second round eliminatioins Linggo sa Imus City Sports Center, Cavite.

Hinampas ni Thompson ang mga puntos niya sa likod ng 23 mula sa atake, dalawang blocks at tatlong service aces para sa ikalawang sunod na panalo ng Power Builders sa anim na salang.

Kinapitan nito ang solo fourth spot sa six-team tournament at hinaltak ang biktimang Lady Troopers sa 3-3 win-loss record maski ‘di natinag sa pag-iisa sa tersera.

Agapay kay Thompson si Krystle Esdelle ng 23 markers sa nag-iinit ng baterya ng sasakyan tapos umpisahan ang season-opening tourney sa 0-4.
Dikdikan ang tapatan ng dalawang koponan, pero sa last set ay isang error mula sa Pacific Town Army ang nagpanalo sa batam-batang Motolite.

“It’s was just nice to see them come from behind ang laban,” pahayag ni Power Builders coach Air Padda. “It’s not easy coming back two sets down and winning.” (Janiel Abby Toralba)