Thompson, Ginebra sinenglot ang ROS

Nagtulungan sina ­import ­Justin Brownlee at Earl ­Scottie Thompson sa huling ­dalawang minuto upang itulak ang ­Barangay Ginebra San Miguel sa maigting na 98-89 ­panalo kontra sa Rain or Shine sa 44th Philippine Basketball Association Governors’ Cup seliminations Sabado ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Kumawala ang Gin Kings mula sa huling pagtatabla sa 89-all tapos ang apat na sunod na puntos ni Brownlee at sinundan ng isang tres ni Thompson upang itala ang 96-89 sa natitirang 1:27 segundo ng laro bago ang basket pa ni Stanley Pringle para sa ikatlong sunod na panalo ng Gins tungo sa 4-2, binuhulan ang Meralco sa fourth spot.

Nagtala si Thompson ng 11 points, 3 rebounds, 3 assists at 4 steals habang si Brownlee ay may 39 markers, 17 boards at 8 feeds para tabigin ang Elasto Painters sa 2-6, nalagak sa four-way tie sa ninth o ilalim.
Agad itinala ng Gin Kings ang 14-2 atake sa pagsisimula ng ­unang yugto kung saan nakaposte ng pinakamalaking 14 puntos na kalamangan sa 18-4 mula sa ­lay-up ni Thomson.

Pero nakahabol ang ­Elasto Painters sa third kung saan naagaw pa ang abante at itala ang walong puntos na ­kalamangan sa 75-67.
Ang iskor:

Ginebra 98 – Brownlee 39, Tenorio 11, Thompson 11, Pringle 9, Slaughter 8, Dela Cruz 8, Aguilar 8, Caperal 4, Mariano 0, Chan 0.

Rain or Shine 89 – Alexander 20, Norwood 14, Belga 13, Nambatac 10, Mocon 8, Torres 7, Ponferada 5, Daquioag 4, Rosales 3, Borboran 3, Exciminiano 2.
Quarters: 28-20, 46-43, 69-75, 98-89. (Lito Oredo)