Mga laro sa Martes:
(FilOil Flying V Centre)
4:15 pm – Petron vs Cocolife
7:00 pm – F2 Logistics vs Foton

Nagsanib puwersa sina import Channon Thompson at local Dindin Manabat upang pasanin ang Foton sa 25-21, 25-17, 21-25, 25-20 panalo kontra Generika-Ayala kahapon sa Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa Batangas City Sports Center.

Nag deliver ng krusyal na puntos sina Thompson at Manabat upang ibigay sa Tornadoes ang twice-to-beat edge sa quarterfinals.

Bukod sa Foton, nasikwat ng Petron at defending champion F2 Logistics ang unang dalawang quarterfinal incentives, tangan nila ang tig 8-1 records sa event na suportado ng Isuzu at UCPB Gen kasama ang ESPN5 bilang broadcast partner.

Sa kalagitnaan ng confe­rence, pinalitan ni Thompson si American Brooke Kranda, umiskor siya ng 27 points mula sa 20 kills, anim na service aces at isang block habang si Manabat ay bumakas ng 14 markers para sa Tornadoes na hawak ang 5-4 card.

Nagpakitang gilas din ang isang reinforcement ng Foton na si Canadian import Elizabeth Wendel na may 12 hits.
“This is a good win because we already have the twice-to-beat advantage in the semifinals,” ani Foton coach Rommel Abella. (Elech Dawa)