Nag-donate si Chris Hemsworth ng $1 milyong dolyar para labanan ang malawakang wildfire sa Australia. Nag-post ng video si Chris sa kanyang Instagram para hikayatin ang mga fan na mag-abot ng tulong sa naturang bansa.

Malungkot din niyang ikinwento na ang sunog ay kumitil na ng halos 20 buhay.

Caption niya sa Instagram, “Hi everyone. Like you, I want to support the fight against the bushfires here in Australia. My family and I are contributing a million dollars. Hopefully you guys can chip in too. Every penny counts so whatever you can muster up is greatly appreciated.”

Dagdag pa niya, “Beyond appreciative to everyone around the world for their well wishes and donations. It really does make a difference, so dig deep! Love ya,” he wrote.

Marami ang humanga sa aktor at napuno ng papuri sa comment box. Maging ang “Game of Thrones” star na si Jason Momoa ay nagkomento rin.

Ani Jason, “so generous. beautiful man mahalo nui.” (Ronaline Avecilla)