Thoss, Alaska sinibak ang NLEX

Thoss, Alaska sinibak ang NLEX

habol sa last trip

Kinumpleto ng Alaska ang quarterfinals cast ng PBA Philippine, sinipa ang NLEX 88-80 sa knockout game sa Mall of Asia Arena sa Pasay Biyernes ng gabi.

Inupuan ng Aces ang eighth at last slot, mas matindi ang sunod na asignatura dahil twice-to-win laban sa top seed Phoenix Pulse.

Naunahan ng bitaw ni Philip Paniamogan paglagpas sa halfcourt ang buzzer para ilapit ang NLEX 23-17 pagkatapos ng first quarter.

Naidikit sa dalawa ng Road Warriors sa bukana ng second, pero muling kumalas ang Aces.

Kinamada ni Carl Bryan Cruz ang walo sa huling 11 points ng first half, kabilang ang bihirang four-point play, para itulak ang Alaska sa 44-25 lead sa break.

“Our defense was fantastic in the first half. Obviously we’re fortunate to get them after having to play Magnolia last Wednesday,” ani coach Alex Compton, inabot din ng isang minutong nakaupo sa press room bago inumpisahan ang postgame interveiw.

“We had fresher legs.”

Huling naglaro ang Alaska noong March 27, samantalang ang Road Warriors ay nabugbog sa Magnolia noon lang Miyerkoles.

Pagkatapos ng three ay malayo pa rin ang Aces 73-50.

Parang bumalik sa kabataan niya ang 37-anyos na si Sonny Thoss nang mambarako ng 21 points para bitbitin ang Aces. Tumapos ng tig-16 sina Simon Enciso at Cruz, may 13 pa si Casio.

Hindi naisalba ng 16 points ni Kenneth Ighalo at 14 ni Bong Galanza ang Road Warriors.

Tinapos ng Fuel Masters ang elimination round sa 9-2 para selyuhan ang top seeding. (Vladi Eduarte)