Sinakmal ng powerhouse National University ang pangatlong sunod na titulo sa women’s division ng UAAP Season 79 basketball sa Filoil Flying V Centre matapos iwasiwas ang La Salle 96-72 kahapon.

Tumikada si Finals MVP Gemma Miranda ng 25 points at 13 rebounds, pinagdiinan ni Afril Bernardino ang pagiging back-to-back Season MVP sa tinarak na 18 points, nine assists, six boards at three steals para sa Lady Bulldogs.

“I just told the girls to take care of the ball and make some adjustments. Siguro yung defense namin, maganda. If we play good defense, our offense will just come easy for us.

Gemma and Afril played good today,” suma ni coach Patrick Aquino.

Magandang sendoff para kina Bernardino at Miranda ang pagkopo ng korona, tapos na ang kanilang playing eligibility.

Kumana si Khate Castillo ng 15 points, six rebounds at four assists, tumipa sina Jhoana Arciga at Snow Peñaranda ng 14 at 13 markers sa Lady Archers.

Mga iskor:

NU (96) – Miranda 25, Bernardino 18, Animam 16, Nabalan 15, Camelo 9, Itesi 8, Del Carmen 3, Layug 2, Ceno 0, Harada 0.

DLSU (72) – Castillo 15, Arciga 14, Peñaranda 13, Claro 9, Nunez 7, Vergara 7, Gonzales 4, Dagdagan 3, Javier 0, Revillosa 0, Vela 0.

Quarterscores: 26-15, 52-36, 78-47, 96-52