RIO DE JANEIRO (AP) — Hindi ganoon kadali ang trip, pero nakarating pa rin sila sa destinasyon.
Walang katiting na duda ang players ng US Olympic men’s basketball team na tatayo sila sa gold-medal platform, kahit pa nagmuntik-muntikan din sa ilang laro at inulan ng kritisismo na kulang sila ng big names at bigger wins.
“I know there was kind of a lot of buzz around us not playing well a couple of games, two, three games in the early round,” bulalas ni Carmelo Anthony, “but the way that we locked in and the way that we focused in to be able to have this gold medal around our necks was special.”
Ibinuhos ang inipong lakas, kumbinsidong sinagasaan ng Americans ang Serbia, 96-66, nitong Linggo para iuwi ang ikatlong sunod na gold medal.
“We came here and despite what people are saying about this group, being less talented and not blowing teams out, we did a good job of bottling all that up and unleashed it on Serbia,” dagdag ni forward Paul George.
Umiskor si Kevin Durant ng 30 sa final game niya sa national team para kay coach Mike Krzyzewski, bibitiw na sa pagtitimon sa national team matapos ilista ang pangalan bilang first coach na nanalo ng tatlong Olympic gold medals.
Ikinuwintas din ni Anthony ang third gold na idadagdag sa isa pang bronze, at naging most decorated male sa Olympic basketball history.
Natakasan ng US ang Serbia sa pool play, 94-91, kumapit nang sumablay ang 3-pointer ni Bogdan Bogdanovic sa buzzer. Sa rematch, hindi pinaporma ng Americans ang Serbians, tulad din ng resulta ng final ng 2014 Basketball World Cup na ipinanalo ng Americans, 129-92.
Kahit tambak na ang kalaban, bumalik si Anthony sa final minutes para mahablot ang seventh rebound at lagpasan si David Robinson sa US record nang ilista ang 125th sa kanyang Olympic career. Sa kaagahan ng torneo ay naging scoring leader na siya.