Throwback-sayaw ni Mark patok

Ginunitang muli ng mga Pinoy netizen kung paano sila unang na-fall kay Mark Herras, ang tinaguriang “Bad Boy of the Dance Floor”.

Sinayaw kasi ulit nito, via TikTok, ang kantang “Average Joe” ni Y-Not.

Matatandaang pinasikat ni Mark noong 2005 ang nasabing awitin, na naging parte pa ng kanyang “Dance Hits” album.

Kaya naman, kanya-kanyang salaysay ng “Kwentong Average Joe” ang mga netizen.

“Grade 6 palang ako, sobrang crush na kita!! 27 y/o na ko ngayon! Hayyyyy!!! I love you even after 15 years!!!!!,” sey ni Nikki Recio.

“Yan un binili ko cd at pumila para makapagpapic sayo sa sm southmallπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚β€οΈ,” wika ni Mej Eniale.

“Sobrang Kamiss 😊 Araw araw namin Pinapraktis Sa Labas nang Bahay namin . Kahit kabisado na Ang Step eh Tuloy paren hahaha sarap Sayawin πŸ˜ƒπŸ˜ƒπŸ˜ƒ,” sambit naman ni Mellanie Manuel.

“Si tatay sumayaw average joe tinamaan ilaw ayon basag hahahaha,” hayag ni Pam Figueras.

Si Herras ang pinakaunang Ultimate Male Survivor ng “StarStruck” noong 2003. (SDC)