Throwback Sunday: Piel Morena proud na tomboy

NI: ROLDAN CASTRO

Matagal nang out ang dating sexy star na si Piel Morena. Hindi niya itinatanggi na isa siyang lesbian.

“Although I came out nu’ng 2012 as a lesbian, after a while I realized na mas nagpo-fall pala ako sa pansexual category dahil I really don’t care sa gender ng tao. Basta na-attract ako or minahal ko.

“But as of now, I am married sa German guy kaya ako nandito sa Germany since 2014 pa.. Yes, he knows about my sexuality. And our relationship is not a traditional one. We’re more like companions. It works and we’re happy naman,” lahad niya sa tsikahan nila sa chat ng katotong Timmy Basil.

Dagdag pa niya: “Wala kaming anak and it is my decision not to have any. No, I don’t feel any regrets na hindi ako nagkaanak. I am happy as it is. People may not understand this kind of thinking, but I know what I want and I am free to do what I feel is right for me. But it also doesn’t mean na hindi ko iwe-welcome ang opportunity kung sakaling dalhin ako ng pagkakataon sa sitwasyon na kailangan ko mag-adopt or mag-foster. Ayoko lang maglabas ng isa pang bata sa mundo. Mas gugustuhin ko na mag-save na lang ng abandoned one, if ever the situation calls for it.”

May mensahe rin siya sa miyembro ng third sex.

“Para sa mga kagaya ko, lesbian, bisexual or pansexual or whatever you label yourself within the LGBTQ+ community, just follow your heart. Don’t be afraid to allow your heart to lead your head. Kasi, after all, LOVE will prevail.

“Yes, totoo it’s not an easy path. You will encounter a lot of challenges, struggles and obstacles, but that’s already a part of life. Ang magiging edge mo na lang is you live the life that you love. Dahil sa totoo lang, sarili mo lang ang kalaban mo for achieving that peace you are going after.. So treat yourself as your friend. Love yourself, and be proud of who you are!,” deklara pa niya.

Si Piel ay napanood sa mga pelikula ng FLT Films gaya ng “Hamog sa Magdamag,” “Ibigin Mo Ako, Mahalin Mo Ako,” “Kabiyak 2,” “Campus Scandal,” “The Virgin Wife,” “Senswal: Bakit Masarap Ang Bawal.” Naging supporting din siya sa “Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib,” “Ako’y Ibigin Mo, Lalaking Matapang”, “Tabi-Tabi Po”, at “Carta Alas: Wag ka nang Humirit”

“5 years lang ang itinagal ko sa showbiz noon and I did 10 films,” aniya pa.

May balak pa ba siyang bumalik sa pag-aartista?
“Para sa mga naging fans ko before, maraming salamat sa suporta. Sa mga patuloy na nagmamahal sa akin, mas lalong maraming salamat.

“Sa mga nagi-expect na makakabalik ako ng showbiz, panahon lang ang makakapagsabi. Basta sa ngayon, masaya ako sa simpleng buhay ko dito sa Germany. No, hindi ako mayaman ditto. Isa lamang akong ordinaryong mamamayan dito, pero masaya ako dahil nagagawa ko lahat ng gusto ko. I found my peace here and I’m sure lahat kayo masaya rin for me,” bulalas pa ni Piel.