Matapos magwagi ni American boxer Keith Thurman ang kanyang World Boxing Association super welterweight belt kontra kay Josesito Lopez, tinuon naman nito ang kanyang atensyon sa mainit na personalidad ngayon sa boxing, si Manny Pacquiao.

Sa kanyang panayam matapos dispatsahin si Lopez, wagi ng majority decision sa scorecard na 115-111 at 117-109, at 113-113, buong ningning nitong ibinida ang kanyang super world title.

“The champ is back!” saad ni Thurman na nanatiling undefeated sa 29 na salang kasahog ang 22 knockouts.

Dito rin naitanong kung nais niyang makabakbakan si Pacquiao, galling din sa pagkapanalo kontra kay Adrien Broner para mapanatili ang WBA welterweight belt noong isang linggo.

“I most likely would definitely take it. I’m going to have to talk to my team and my managers but I feel good. That was a beautiful fight,”pakli ni Thurman.

“I would love to have [Pacquiao]; maybe in Brooklyn, maybe in Vegas, wherever Manny wants. I’d fight him in the Philippines if that’s where he wanted it, baby,” saad pa niya.