Tiamzon, Gervacio, Bersola ibabalikwas ang BanKo

Tiamzon, Gervacio, Bersola ibabalikwas ang BanKo

‘Di pinalad na makasampa sa podium ang panig ng BanKo Perlas Spikers sa 3rd Premier Volleyball League Reinforced Conference 2019 nitong kaya asahan na reresbak sa 3rd PVL Open Conference 2019 na magbubukas sa Agosto 11.

Ibabanderang muli nina spikers Nicole Tiamzon, Dzi Gervacio at Kathy Bersola ang BanKo upang ibalik ang koponan sa glory days.

Nahirapan ang Perlas Spikers sa season-opening conference dahil nagpapa-lit-palit ng imports. Kaya hamon sa kanila ngayon ang pag-step up ng iba pang players.

Inaasahan na mas dedeliber pa sa pagpapalakas ng opensa si setter Jem Ferrer, at floor defense nina libero Ella de Jesus at Gizelle Tan sa midseason women’s volleyfest. (Janiel Abby Toralba)