Tiangco pinagmalaki na ‘drug-free’ ang Navotas nang 2018

Perfect score umano ang nakuha ng lungsod ng Navotas sa isinagawang 2018 Anti-Drug Abuse Council Performance Audit, saad ni Navotas City Mayor Toby Tiangco.

Sa evaluation, tinitingnan kung naimplementa ba ang mga programa ng gobyerno laban sa iligal na droga, maging ang pagbibigay-tulong sa mga gumamit ng droga noong 2018.


Kalakip sa tweet ni Tiangco ngayong Miyerkoles, Oktubre 9, 2019, ang naka-highlight na parte na nakasaad ang iskor na 100 puntos ng nasabing lungsod o “(ideal) high functionality.”

“Gawin nating inspirasyon ito sa patuloy nating pagtutulungan para mapanatiling ligtas ang ating lungsod mula sa illegal drugs,” sabi ng alkalde.

Inulit din nito ang slogan na “Buhay ay Ingatan, Droga ay Ayawan!”