Isa sa mga fashion trend ngayong taong 2019, ayon na rin sa mga fashion designer ay ang tie dye.
Ang tie dye ay isang proseso na ginagamitan ng isang uri ng pintura o dyobus bilang pangkulay (pagtitina) sa mga damit na may iba’t ibang design.
Dahil sa ‘Pantone’ ang color of the year na makulay at nakakaagaw-pansin ay patok din ito sa tie dye.
Anumang disenyo at iba’t ibang kasuotan ay magti-trend ito mapa-babae man, lalaki, may edad lalong-lalo na sa Millennials.
DIY
Ano ba ang tie dye?
Ang tie-dye ay paraan ng paglikha ng mga padron sa tela,
Mga kailangan:
*Lapis
*Venus fast dye o dyobus
*Plain shirt
*Rubber band (goma)
*Strainer (salaan)
*Container with nozzle
*Hot water)
Step by step:
*Ilagay ang lapis sa gitna ng damit at simulan itong ikutin
*Maari ring daliri na lang ang gamitin upang mapihit nang paikot ang damit
*Gamitin ang goma para sa pag padron ng puting damit.
*Gawin din ito sa kabila kung ano ang nagawa sa una
*Iibabaw sa salaan
*Isalin ang fast dye sa lalagyanan–nozzle container
*Lagyan at haluan ito ng sapat na mainit na tubig
*Maghintay ng limang minuto, at muli itong dagdagan ng hot water
*Simulan nang maglagay ng fast dye sa damit
*Lagyan ito ng magandang marka gaya ng isang pizza, o depende sa iyong design
*Nagiging mas agaw-pansin ito kung gagamitan ng mas maraming kulay
*Pagkatapos lagyan ng fast dye ay patuyuin ito o itapat sa araw sa loob ng 7-oras.
*Pagkabilad ay banlawan na ang kamiseta at patuyuin.
*Pagkatapos ay ready to wear na.