Umabot sa anim ang nasawi habang 437 naman ang tinamaan ng tigdas sa Central Luzon.
Batay ito sa inilabas ng tala ng Department of Health Regional Epidemiology and Surveillance Unit sa mga naapektuhan ng tigdas sa mga sakop na lalawigan mula Enero 1 hanggang Pebrero 7 ng kasalukuÂyang taon.
Sa Bulacan ang may pinakamataas na kaso ng tigdas na umabot sa 144, sinundan ng Pampanga na may 136, sa Tarlac ay may 89 na kaso, habang 23 sa Zambales at 18 sa Nueva Ecija.
Tatlo sa mga nasawi ay mula sa Pampanga, tig-isa sa Bulacan, BÂataan at Zambales.
Hinimok ng ahensiya ang mga magulang na pabakunahan ang anak dahil libre naman ito sa mga health center.