Tigdas victim pumalo na sa 13,470; patay 203 na

Umabot na sa 203 katao ang naitala ng Department of Health (DOH) na nasawi sa tigdas hanggang nitong Pebrero 22.

Ayon kay DOH Usec Eric Domingo nasa 13,470 naman ang tinamaan ng tigdas nitong buwan ng Enero-Pebrero.

Sa naturang bilang 4,300 na kaso ang naitala noong unang linggo ng Pebrero. Karamihan umano ng kaso ng tigdas ay naitala sa National Capital Region, Cagayan at MIMAROPA.

Una ng nagdeklara ng measles outbreak ang DOH noong mga unang araw ng Pebrero matapos magkaroon ng tigdas ang daang bilang ng mga bata sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Central Luzon at Central Visayas.

Kasabay nito, ikinukunsidera naman ng Department of Education (DepEd) ang ‘no vaccination, no enrollment policy’ para mapilitan ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.