Tigil impeachment kay Leni, drama lang ni Duterte

antonio-trillanes-iv

Drama lamang ­umano ni Pangulong ­Rodrigo Duterte nang ­ipatigil ­nito ang ikinakasang ­impeachment complaint ­laban kay Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Senador ­Antonio Trillanes, gusto lamang maghugas kamay ng pangulo at palabasing wala siyang ­kinalaman ­dito kaya’t kunwari isinapubliko nito ang pagpa­patigil ng kinakasang impeachment laban sa ­pangalawang pangulo.

Kung sensiro umano ang pangulo sa sinabi nito ay hindi na nito dapat na isapubliko pa, sa halip diretso na nitong ­sabihin o ibulong kay House Speaker Pantaleon Alvarez na siyang unang nagkonsidera para sa pagsusulong ng impeachment laban kay Robredo.

Naniniwala ang senador na kung totoo ang sinabi ng Pangulo ay hindi ito dapat na suwayin ni Alvarez.

Dahil dito, halatang nagdadrama lamang umano ang pangulo at nais lamang iligtas ang sarili sa publiko oras na maipursige ang impeachment ­laban kay Robredo.

“Drama lang ‘yan. Nakita na natin yan,” ­ayon pa kay Trillanes.

Gayunpaman, kumbinsido ang ­senador na mahihirapan ang nagsusulong ng impeachment laban kay sa Bise Presidente kung paano nila itong masusuporta­han.

“Definitely, mamimilipit sila how to ma-justify yung impeachment complaint kay Robredo, mahirap yun, hindi mo pwdeng ipilit yun, yung mga congressman ay hindi naman mga di susi yan,” ayon kay Trilanes.

Ngunit sa impeachment complaint laban sa Pangulo, tiwala ang senador na maisusulong ito lalo na kapag makita at naiharap na ang umano ang mga ebidensiya.

Tiyak umanong maraming kaalyado ng Pangulo ang babaligtad at tuluyan nang susuportahan ang impeachment complaint.