Binigo ng De La Salle ang University of Santo Tomas sa pagsampa sa Finals matapos ilista ang come-from-behind 3-1 victory noong Linggo at manatiling walang bahid sa UAAP Season 79 women’s football tournament sa Moro Lorenzo Field.
Nakauna ang Tigresses nang umiskor si Aira Indac sa 20th minute, pero nakatabla agad ang Lady Archers makalipas ang 16 minutes nang itarak ni Kyra Dimaandal ang 10th goal niya ngayong season.
Kumana si Alexi Arrieta sa 50th para ibigay sa Lady Archers ang bentahe bago sinelyuhan ni Chelo Hodges ang laban sa 80th.
Tinapos ng De La Salle ang double-round eliminations sa iskor na 24 points.
Magkakaldagan ang UST at Ateneo sa playoff para sa huling championship berth sa alas-otso ng umaga sa Mayo 4 sa Rizal Memorial Stadium.
Ibabandera ng Lady Eagles si Cam Rodriguez na namuno sa kanilang 3-3 draw kontra Lady Maroons.
Ilalarga ang one-game championship sa alas-sais ng gabi sa Mayo 7 sa parehong lugar.