Tumagos ang pana ng De La Salle University Lady Archers sa University of Sto. Tomas Tigresses matapos sikwatin ang 77-67 panalo kahapon sa UAAP Season LXXIX women’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena.

Tumikada si Khate Castillo ng 20 points at tinuhog ng La Salle ang 3-1 karta.

Nag-ambag si Benette Revillosa ng 13 points, kinapos ng isang rebound si Snow Penaranda para sa triple double sa nilistang 10 points, 10 assists para sa DLSU.

Nakabawi ang Lady Archers sa talo nila kontra National Lady Bulldogs 59-72 noong Linggo.

Dinagit naman ng Ateneo Lady Eagles ang Far Eastern University Lady Tamaraws 60-56 para makaiwas sa two-game skid.

Nilipad ni Hazelle Yam at Jonette Uy De Ong ang pinagsamang 28 points para ilista ang 2-2 baraha ng Lady Eagles.

Magkaakbay sa 1-3 ang Lady Tams at Tigresses.

Bumira si Ann Gandalla ng 19 points, eight rebounds at five assists, may 17 puntos si Shanda Anies, kumana si Misaela Larosa ng 16 points at 11 boards para sa season host UST.

Tanging si Valerie Mamaril ang tumipa ng twin digits na 23 points sa Lady Tams.