Sabi ng aming friend na medyo mataray, nag-enjoy siya sa panonood ng “The Annulment” sa premiere na ginanap sa SM Megamall last Monday. Ang tanong namin kay mataray friend, dahil ba sa sexy scenes nina Lovi Poe at Joem Bascon kaya siya nag-enjoy?
May love scenes sa floor, sa shower at sa kama sina Lovi at Joem na tinilian ng audience sa orchestra section ng Megamall. May pagka-kinky rin diumano ang ilang dayalog sa pelikula na type na type ng mga nanood. Kaya todo react ang mga ito sa mga eksena.
Sabi ng friend namin, mahusay sina Lovi at Joem in their respective roles kaya balak ng diva that you love na sumugod sa favorite cinema namin dito sa south para panoorin ang latest work na ito from Direk Mac Alejandre.
It takes two to tango, wika nga. Iyan ang mensahe ng “The Annulment”. Hindi magiging matagumpay ng isang relasyon kung ‘di magtutulungan ang taong sangkot nito. Kung may problema man silang kinakaharap, dapat dalawa silang haharap dito para ito ay maayos.
Sabi pa sa movie, importante ang trust sa isang relasyon. Kapag ito ang nasira, mahirap nang maibalik sa dati ang relasyon na nagkaroon na ng lamat.
Bonggang-bongga ang acting nina Lovi at Joem sa film. Ayon sa aming friend, pinalakpakan ng audience ang movie.
Opening day ngayon in cinemas nationwide ng “The Annulment”. Papalakpak din kaya si Mother Lily Monteverde sa kikitain ng movie sa takilya?
Arjo palaban sa acting kay Carlo
Very successful ang “Bagman” ni Arjo Atayde sa iWant kaya muli itong nagbabalik. May season 2 na ito.
Dito sa Season 2 ng “Bagman” ay makakalaban naman ni Arjo sa aktingan si Carlo Aquino, na sobrang underrated as an actor pero sakdal husay naman sa mga movies at teleserye na kinabibilangan niya.
So expect fireworks sa pagitan nina Arjo at Carlo.
Edgar Allan ‘di bading sa bagong movie
May exceptional screen chemistry sina Coleen Garcia at Edgar Allan Guzman. Very evident ito sa official trailer ng kanilang forthcoming movie titled “Mia”.
Ang pelikula ay directed by award-winning lady director na si Veronica Velasco.
Kasama rin sa movie sina Yayo Aguila, William Martinez, Billy Crawford, Star Orjaliza, Jeremy Domingo, Sunshine Teodoro, Pau Benitez, at Xenia Barrameda.
Ito ang unang team-up nina Coleen at EA. First movie project ni EA mula nang siya ay lumipat sa management team ni Arnold Vegafria. We are sure na may isa kaming friend na natutuwa na may movie na uli si EA, na sobra niyang nagustuhan sa “Deadma Walking”.
Pero hindi bading ang role ni EA rito sa “Mia” kundi isang pursigidong forester. Si EA raw talaga ang gusto ng producer na gumanap sa role dahil may acting challenge ito.