Nasa 900 baboy ang kinatay sa pamamagitan ng pagkuryente sa mga ito makaraang magpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang isang eco agri farm sa Barangay Friendship Village Resources (FVR) sa Norzagaray, Bulacan.

Ayon kay Agapito Pascual, municipal agriculturist ng Norzagaray, kinuryente ang mga baboy na ASF infected at doon na rin inilibing sa farm na pag-aari ng isang Edwin Ong.

Agaran namang nilinis ang buong farm upang hindi na makahawa pa.

Nabatid na mayroon pang apat na babuyan sa paligid ng farm na kailangang isailalim sa protocol upang masiguro na hindi nahawaan ng ASF ang kanilang mga inaalagaang baboy. (Vick Aquino)