NI: ROLDAN CASTRO
Sadyang matulungin si Willie Revillame dahil sinagot ang upa ng pamilyang tinanggalan ng bubong sa Caloocan City. Ito ‘yung laman ng balita na pinapalayas sa nirerentahang bahay.
“Nakakalungkot dahil nangyayari ito sa ating mga kababayan. Sa sitwasyon na ito, wala ho e, wala talagang pera e, walang trabaho,” deklara ng tv host na naantig sa situwasyon.
Kinausap ni Willie ang inalisan ng bubong at pinto . Sinabi niyang babayaran niya ang anim na buwan na upa na P15,000.Binigyan din niya ito ng bigas at P10,000.
Sinabi rin ni Willie na magpasalamat siya sa may-ari ng bahay.
“Alam mo kung bakit? Binuksan ‘yung bubong mo. Hulog ‘to ng langit sa inyo.Kung hindi binuksan ‘yung bubong mo, hindi ka makikita at hindi naming malalaman ang nangyari,” sambit niya.
Binigyan din ng P20,000 ni Willie ang nag-upload ng naturang viral video.