Dear Sir:

Ang nakaraang pagkukuwento ni Pangulong Duterte hinggil sa katayuan ng ating mga hangganan sa West Philippine Sea ay tila nakakabahala ang itinugon ng Pangulo ng China na si Pres. Xi Jinping.

Ayon kay Pangulong Xi Jinping ng China,­ “Well, we are friends. We do not want to quarrel with you. We would want to maintain the pre­sent warm relationship. But if you force the issue, we will go to war.” Reading in between the lines, talagang ipinagdidiinan nila na kanila tala­ga ang ating mga hangganan sa West Philippine Sea. Ipaglalaban nila sukdulang magkagiyera.

Sa pagkasabi ng Pa­ngulo ng China ng ganoon ay walang namutawi sa bibig ng ating Pa­ngulo. Siyempre shock na shock siya. Hindi niya aka­lain na ganoon ang sasabihin sa kanya.

Ang buo niyang akala na tunay nga ang pakikipagkaibigan sa kanya ng China. Lahat pala ng tulong na ibinibigay ng China ay may kapalit. Ito ay ang pag-surrender sa kanila ng ating mga hangganan. Tutulong sila basta huwag na lang tayong magpumilit sa angkinin ang talagang atin. Kung pipilitin natin giyera ang aabutin natin.

Kaya pala nagkukumahog ang ating Pa­ngulo sa pakikipag-usap sa mga lider ng ASEAN countries at higit sa lahat sa Russia. Iyon pala ang lihim na dahilan. Tinatakot na tayo ng China.

Ang pera ay madaling mapalitan pero ang hangganan natin ay walang pamalit na anumang yaman sa mundo dahil dito nakasalalay ang ating pagka-soberano at ang mga tanging yaman na matatagpuan doon sa karagatan ay mamamana pa ng saling-lahi ng Pili­pino. Ang makikinabang ay ang ating mga kaapu-apuhan. Kung kinakaila­ngan magbuwis ng buhay upang makamit natin ang ating ari-arian, so be it, ­alang-alang sa susunod na generations ng la­hing Pilipino. Katapatan at Makabayan para sa ating bansa ang hinihingi ng pagkakataon na tugunan ng sambayanang Pili­pino.

ZYRENNE A. YUMUL
Bulacan

***

Dear Sir:

Nasa 11 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa Barangay Midtungok, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat. Pahayag ni 1Lt. John Austin Jamora, commanding officer ng Alpha Company, 33rd Infantry Battalion kabilang sa isinuko ng 11 NPA na mula sa tribong Manobo ang walong high powered firearms kabilang ang 5 M16 rifles, 2 M1 Garand rifles at 1 AK 47 rifle. Nalalagas na ang mga mi­yembro ng NPA sa nasabing lugar dahil sa patuloy na demoralisasyon. Paha­yag pa ng isa sa mga sumuko, masama ang loob ng mga lumad dahil hindi tumupad ang NPA sa kanilang mga pa­ngako lalo na sa suporta sa kanilang pamilya.

Kaya naman patunay ito na dapat ay bumaba na rin sa bundok ang iba pa nating kapatid na nalinlang at pinangakuan ng NPA dahil sila talaga ay mga manlilinlang na puro salita ngunit wala sa gawa.

JERSAN R. ARGUILLES
Mindoro