Nag-panic ang mga mamimili ng mga firecracker sa Bocaue, Bulacan makaraang magliyab ang isa sa mga tindahan nitong Sabado ng gabi.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protections (BFP), bandang alas-6:10 ng gabi (Disyembre 28) nang magsimula ang sunog sa Brgy. Biñang 1st sa Bulacan, at pag-aari ni Allaine T. Sayo ng Town and Country Abangan sa Marilao Bulacan.

Sa report, isang tinda­han lamang ang nasunog na umabot ng ikatlong alarma. Agad namang naapula pasado alas-siyete ng gabi ang apoy at hindi na nada­may pa ang mga katabing tindahan ng paputok.

Nabatid na ang sunog ay nagsimula sa ‘stock room’ sa likuran ng tindahan ng paputok.

Sinasabing nang sindihan ang ilaw ay bigla na lamang may nag-spark sabay pagliyab ng apoy at nasunog ang buong tindahan
Ayon sa BFP, awtorisado naman at may permit ang nasabing stall para magtinda ng paputok at sinisiguro nilang laging may nakaistambay sa lugar ng mga trak ng bumbero.

Wala namang napaulat na nasaktan o nasugatan sa sunog subalit naabo ang dalawang behikulo, isang motorcycle at bicycle na pag-aari ni Sayo (Dolly Cabreza)