SAN ISIDRO, Nueva Ecija — Patay matapos putukan sa ulo ng ‘di nakilalang salarin ang isang tindero ng kambing sa sabungan noong Sabado ng hapon sa Gapan-Olongapo Road sa bayang ito.
Ayon sa ulat, nakilala ang biktima na si Gino De Los Santos Valerio, 34, binata, residente ng Teachers Village, Purok 6, Brgy. San Roque Cabiao, Nueva Ecija.
Nabatid na dakong alas-5:55 ng hapon kalalabas lang ng biktima mula sa Cockpit Arena sa Brgy. Poblacion sakay ng tricycle nang biglang dumikit ang riding-in-tandem at pinagbabaril si Valerio gamit ang kalibre .45.
Usapin sa negosyo at droga ang mga sinisilip umanong posibleng motibo sa pamamaslang, ayon sa mga pulis.