Laslas ang leeg at may mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang isang lalaki nang madiskubreng wala ng buhay sa kaniyang bahay sa Caloocan City.

Nakilala ang biktima na si John Irvic Gulfan, 27 ng Unit B 1979 Pentunia St., Area 8, Brgy. 174, Camarin ng nasabing lungsod.

Dakong alas-kwatro ng madaling-araw nang inihatid pa umano nina Miguelito Soriano at John Rosito Danniel ang biktima sa bahay nito matapos ang inuman kung saan naghihintay sa biktima ang isang hindi nakilalang bisita.

Kinabukasan ay nadiskubre ang biktima na nakahandusay malapit sa pinto at naliligo sa kanyang sariling dugo.

One Response