Tinumbok ng AUV backride agaw-buhay

Kritikal ang isang babaeng backride ng isang motorsiklo nang tumila­pon ang sinasakyan nito na binangga ng isang sasakyan sa Magallanes, Cavite.

Ginagamot ngayon sa Tagaytay City Hospital ang biktimang si Mikaela Biazon, nasa tamang edad, ng Taguig City habang maayos na ang lagay ng driver ng motorsiklong Yamaha Sniper na si Christian Moan, 24.

Hawak naman na ng pulisya ang driver ng isang AUV Rebuilt (ZIT 676) na si Edwin Anciado, 49, ng Calauagan, Magallanes, Cavite.

Sa ulat ni PSSg. Armado Perez, ng Magallanes Municipal Police Station, ala-1:10 kamakalawa ng hapon nang maganap ang insidente sa Crossing­ ng Calabarzon Road, Brgy. Urdaneta, Magallanes, Cavite.

Minamaneho ni Moan ang kanyang motorsiklo at angkas si Biazon nang pagdating ng Crossing ay binangga sila ng isang AUV Rebuilt na minamaneho ni Anciado.

Dahil sa pagkakabangga, tumilapon ang dalawa dahilan upang isugod sa ospital habang ang driver at sasakyan ng nakabangga ay dinala sa istasyon ng pulisya. (Gene Adsuara)