Sa petmalung mga galamay nina Tyler Tio at Ange Kouame, dinagit ng Cignal-Ateneo Blue Eagles ang ikalawang sunod na panalo sa PBA Developmental League elims nang paamuhin ang Family Mart-Enderun College 82-68 Lunes ng hapon sa Paco Arena sa Maynila.

Hindi naging madali sa Cignal ang tagumpay dahil lumaban ang Family Mart hanggang fourth quarter kung saan nagbabanta pa rin ito sa pagkaiwan lang ng pito, 57-50.

Pero umariba ang Blue Eagles ni coach Tab Baldwin at sunod-sunod itong nagpakalawa ng pamatay na mga tirada pagkaraan sa pangunguna ni Tio na may anim na 3-point shot pa-14 pts. sa huling bahagi ng laro. May sahog pa siyang limang assists at tatlong rebounds.

“It’s a tough game, it’s a good game. Enderun got the job in the beginning of the game, (Brandon) Chauca he hit the score and he played well and I thought our defense kicked after the first quarter. We’re much better defensively and offensively we don’t asked much right now,” talak ni Baldwin.

Nakakuha pa ang dayuhang coach kay Ivorian Ange Kouame ng 20 markers din at walong boards para maupo sa tuktok ng liga at bulilyasuhin ang binyagang karibal.

“I wouldn’t expect us to play this way in the UAAP. We will better prepare, we would play to our scouting report and a game plan.