Tiongson at-home sa NLEX

juami-tiongson

Nakatagpo si Juami Tiongson ng bagong ta­hanan sa NLEX.

Ginugol ang unang dalawang taon sa PBA sa bench ng Blackwater at pagkatapos ng PBA D-League stint noong isang taon, wala siyang sinasayang na oras ngayon sa pagbabalik-pro league.

Nilista ng former Ateneo guard ang breakout game noong Linggo sa kinamadang 21 points, 4 assists, 1 steal at 1 block at sinagasaan ng Road Warriors ang GlobalPort, 109-99.

Pasiklab ang 26-year-old playmaker sa final canto nang magsalpak ng apat sa limang pukol sa labas ng arc na nagpalayo sa NLEX.

Ang binanda ni Tiongson, 12th overall pick sa 2014 PBA Rookie Draft, ang nagkaloob sa kanya ng unang PBA Press Corps Player of the Week (Aug. 28-Sept. 4).

Sa Sept. 13 pa ulit ang laro ng NLEX kontra sister team TNT, bago ang Star sa Sept. 24 na final playdate ng eliminations.

Sakaling manalo sa parehong laro, makakapasok ang Road Warriors sa top four spot sa quarterfinals na may kalakip na twice-to-beat bonus.