Tips kapag may sunog

Abante-Tonite-sunog

Bagama’t idineklara ang buwan ng Marso bilang Fire Prevention Month ay di ibig sabihin na magpapakampante na tayo ngayong buwan ng Abril.

Tandaan na ang sunog ay wala pa ring pinipiling buwan o oras.

At sa oras ng sunog ay may mga paraan para makaligtas kung ikaw ay na trap sa loob ng bahay.

Ano nga bang mga dapat gawin kapag may sunog sa inyong bahay?

#1 I-alarma ang inyong mga kasama sa bahay, tandaan na sa loob lamang ng dalawang minutong sunog ay maari ng mapuno ng usok ang buong bahay.

#2 Pilitin na makalabas kaagad ng bahay

#3 takpan ng basang tela ang pintuan kung sakaling nakulong sa loob ng kuwarto upang hindi kaagad makapasok ang usok na nagiging sanhi ng ‘Suffocation’.

#3 Magsuot ng matitingkad na damit upang kaagad na makita ng mga rescuer .

#4 Kumuha ng makapal na tela, basain, ilagay sa ulo at gumapang palabas ng pintuan dahil hindi ka makakalanghap ng usok dalawang talampakan.

#5 iwasang mataranta

#6 Maging organisado at huwag tumalon sa bintana na kalimitang pinagmumulan ng disgrasya

#7 tandaan ang ‘stop, drop and roll’ sa sanda­ling dapuan na ng apoy ang inyong damit.

#8 Huwag din magtago sa banyo, dahil ito ay walang bintana at maliit ang kikilusan.

Pinayuhan rin ang publiko na maging maingat sa loob ng pamamahay ugaliin ang pagtanggal sa mga saksakan ng koryente kapag aalis ng bahay.