Dahil sa mga katagang binitiwang “tirahin ko asawa mo” ay paulit-ulit na sinaksak ang isang estibador ng binirong lalaki sa Tondo, Maynila kamakalawa.
Kinilala ang biktimang Jerry Delantas, 34, ng Plaza Paraiso sa Delpan, Binondo, Maynila matapos mapuruhan ng saksak ng suspek na si alyas Jonathan.
Sa imbestigasyon ni SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide section, alas-11:45 ng umaga, kumakain ang suspek at asawa nito sa isang karinderya sa Delpan nang madaanan ng lasing na biktima at biniro umano ang suspek na titirahin umano ito ang kanyang asawa kaya sinita ito na nauwi sa kumprontasyon at suntukan.
Maya-maya ay bumunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima saka mabilis na tumakas, kasama ang kanyang live-in partner.