KAHAPON, nakita namin sa isang coffee shop sa Greenhills, San Juan ang singer/actor na si Richard Merk na nakarelasyon ng Superstar na si Nora Aunor noong 80’s.

Unang bumati sa amin si Richard, kaya sinamantala na namin ang pagkaka­taon na tanungin siya kung darating ba siya mamaya sa 50th showbiz anniversary party ni Mama Guy na gaganapin sa Sampaguita Garden.

“May show rin kasi ako bukas, hindi ako puwede. Sayang nga,” sabi ni Richard.

Sabi naman ng isang namamahala sa nasabing event, si Tirso Cruz III din daw ay nagpasabing hindi makakarating sa golden anniversary ni Mama Guy.

Ang ex-husband naman daw ni Mama Guy na si Christopher de Leon ay napadalhan daw ng imbitasyon, pero hindi pa sigurado ang organizers kung makakarating ba ito o hindi.

Pinasasabi nga pala ng organizers ng event na ‘yon na hindi open sa lahat at for invited guests lang daw ‘yon.

PBA players bawal muna sa top TV network

KANSELADO ang guestings ng ilang basketball players sa iba’t ibang shows ng isang top TV network.

Nagdesisyon daw ang management na huwag munang mag-guest ng mga basketball player sa kanilang shows dahil na rin sa championship ngayon ng PBA.

Parang napo-promote raw kasi ang PBA dahil sa guestings ng iba’t ibang basketball players sa kanilang shows.

Isang kilalang PBA player na may guesting sana sa isang game show nila noong isang araw ang bigla rin daw kinansela dahil nga nagbaba ng memo ang top management na huwag munang mag-guest ng basketball players sa kanilang shows.

Well…

Kris Bernal itinatago ang lalake niya

NAKABALIK na kahapon ng 5:00AM mula sa isang linggong pagliliwaliw sa Korea si Kris Bernal.

Hindi lang pleasure kundi business trip na rin ang ipinunta niya sa Korea.

Dahil one week lang ang paalam niya sa Impostora para sa bakasyon na ‘yon sa Korea, from the airport, umuwi lang daw ng bahay si Kris para kumuha ng wardrobe requirements at dumeretso na ng taping.

Bandang 9:00AM daw ang nasa taping lang si Kris at nag-make-up lang at nagpalit ng damit at isinalang na kaagad sa eksena.

Isang linggo naman daw ang bakasyon niya sa Korea, kaya hindi naman ngarag sa taping kahapon si Kris.

Nakapagpahinga naman daw ang dalaga.

Inusisa nga pala namin ang isang taga-production ng Impostora kung totoo ang tsikang may secret ‘boyfriend’ na kasama si Kris sa Korea, pero wala raw silang alam.

Hindi naman daw nagkukuwento ng mga ganoon si Kris kapag nasa set ng Impostora.
Pagdating daw sa lovelife, malihim si Kris.

Actually, naalala nga namin noong mag-dinner siya sa bahay ng isang malapit naming kaibigan.

Wala kaming kaalam-alam na sa tagal ng tsikahan namin doon, nasa labas pala (sa loob ng kotse nito) ang isang aktor na noon ay karelasyon ni Kris.

Talagang pinaghintay niya ang boyfriend na aktor sa kotse habang may ka-dinner siyang mga kaibigan!