‘Tisoy’ hinayaan ni Quiboloy

Sara pinili ng Diyos maging susunod na Pangulo-Quiboloy

Dahil sa pagtatanong ng mga netizen, sinagot ni Pastor Apollo Quiboloy kung bakit hindi nito pini­gilan ang pana­nalasa ng bagyong ‘Tisoy’ sa bansa.

“Kasi ‘yung ini-stop ko ‘yung earthquake maga­lit man sila, binasa ko ng napakarami. So baka i-stop ko ‘yung bagyo baka magalit na naman so pinabayaan na lang natin, nag-pray na lang tayo na ‘yung bagyo lumampas na lang. Ngayon eh normal na, tulungan na lang natin ‘yung mga nasalanta ng bagyo,” ayon pa sa pastor.

Sabi pa nito, “‘Di ko na alam ang gagawin ko, pag pina-stop mo maga­galit, ‘pag ‘di mo pina-stop magagalit din.”
Dagdag pa ng pastor, dasal nito ang proteksyon para sa lahat laban sa mga sakuna at handa rin umano ito na tumulong sa kahit sino, maging sa mga basher niya.

Matatandaan na na­ging kontrobersyal si Quiboloy, na founder ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name, makaraan ang pahayag nito na pinahinto diumano niya ang lindol na naranasan sa Minda­nao noong Oktubre.