TITO, 4EVER NA IA-ANO NI GIAN

Gian Tito
Crixus at Ciara
Crixus at Ciara

HABANG nagkaka­gulo at pinagpipiyestahan pa rin sa social media ang NA-ANO joke si Sen. Tito Sotto, nasa Japan si Ciara Sotto kasama ang anak niyang si Crixus na nagbabakasyon.

Pinutakti ng ba­shers ang ilang posts ni Cia­ra sa Instagram. Silang mag-ina ang napagdiskitahan sa galit kay Tito Sen.

Hindi sila pinatulan ni Ciara.

Hindi nakatiis ang pinsan nitong si Danica, siya na ang nakiusap na tigilan na sana ang pamba-bash kay Cia­ra lalo na’t nadadamay si Crixus.

Naglabas na uli si Tito Sen ng statement at muling humingi ng paumanhin at nilinaw na wala siyang intensyong maka-offend sa mga single mom o solo parents.

Hindi na rin nakatii­s ang isa pang anak ni Tito Sen na si Gian Sotto, nag-post na rin ito kahapon sa Instagram para ipagtanggol ang ama.

Ani Gian, “Gusto ko po manahimik na lang sana, pero hindi po kaya ng puso ko. Puno ng galit at masasakit na sa­lita itong nakaraang 24 hours sa Press/News/Social Media.

“Kaliwa’t kanan na pambabatikos at paninira sa aking tatay, sa a­king kapatid at sa ­aking pamilya.

“Yes, nagkamali po ang tatay ko sa joke niya, and he is sorry for it. Hindi po ibig sabihin nito ay masamang tao na siya.

“Nobody is perfect. Lahat po tayo, nagkakamali. But, he is the best husband, father and grandfather, and I thank God for him everyday.

Gian Tito
Gian at Tito Sotto

“And this is why I’m speaking up. I will for­- e­ver­ honor my father.

“It was never his intention to offend or to insult anyone. He never doubted the capabilities of single parents.

“May mga kapatid akong single moms at mga kaibigang solo pa­rents, kaya alam po namin na hindi madali ang buhayin ang pamilya nang mag-isa.

“Walang sinabi ang tatay ko na hindi kaya ng isang solo parent, at ng kanyang pamilya na magtagumpay sa buhay at makamit ang kanilang mga minimithi.

“Alam ng Diyos kung ano ang nasa puso ng tatay ko at ‘yun ang pinakaimportante sa lahat.

“Alam ko na mala­lampasan namin ito dahil kasama namin ang ­Diyos. Sa bawat pagsubok we put our trust in God.

“Thank You Lord for Your Strength and Your Grace, every single day! We lift our family up to You! Da, I love you so much, po!”