NAAWA kami kay Ciara Sotto.
Kahit nananahimik si Ciara ay DAMAY siya sa NGITNGIT ng netizens na na-offend at nabastusan sa linyang ‘NAANO LANG’ ni Senator Tito Sotto kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo sa Commission on Appointments hearing nu’ng Miyerkules.
Hindi katanggap-tanggap para sa imbiyernang netizens ang komento ni Tito Sen, na ang dating sa marami ay panlilibak o pangmamaliit sa mga inang walang asawa pero may anak, katulad ni Sec. Judy.
Hiwalay sa asawang si Jojo Oconer si Ciara at mag-isa nitong pinapalaki ang 2-year-old son nilang si Crixus.
Ayon sa iritadang netizens, SAPUL si Ciara sa ‘NAANO LANG’ na statement ni Tito Sen dahil isa rin itong single mom.
Mabuti na lang at nataong nagbabakasyon sa Japan si Ciara kasama si Crixus at ang kanyang Ate Lala Sotto at pamilya nito.
Abala sa pamamasyal at pagpu-food trip doon sina Ciara, kaya baka hindi niya nababasa ang masasakit na sinasabi ng mga tao patungkol kay Tito Sen.
Ang tindi ng public opinion against Tito Sen at ito ang laman ng social media kamakalawa hanggang kahapon.
Tila dina-dissect ng offended netizens ang issue hanggang sa lumalim na nang lumalim ang usapin at lalo pa silang magngitngit sa TV host-politician.
Maraming celebrities ang nadismaya, nasaktan at hindi napigilang maglabas ng kanilang saloobin hinggil dito.
Kung mababasa ni Ciara ang mga ‘yon ay tiyak na masasaktan siya dahil ang daming masasakit na salita ang pinukol kay Tito Sen at kung anu-ano ang tawag at taguri sa kanyang ama.
LURAY-LURAY si Tito Sen sa matinding BASHING na natanggap nito.
At dahil anak nito si Ciara at si Ciara ang nasa showbiz ay siya ang dawit sa isyu at pangalan niya ang nakakaladkad.
May mga gumawa agad ng memes gamit si Ciara, samantalang wala siyang kinalaman dito at ni wala siyang alam sa sinabi ng tatay niya dahil nasa abroad siya.
May ilang angry netizens na napagdiskitahan ang Instagram account ni Ciara at doon sila nag-comment sa pinost nitong multiple pics nila ni Crixus na kuha sa Arashimaya Bamboo Forest sa Kyoto.
ANG HARSH ng mga komento ng fans, na ‘yung iba ay hindi pinatawad pati ang paslit na anak ni Ciara.
Ewan kung binasa ni Ciara ang mga ‘yon o dinedma lang niya para huwag masira ang bakasyon niya.
To the rescue ang pinsan na very close kay Ciara na si Danica Sotto-Pingris, na sinaway ang netizens na kung anu-ano ang kino-comment sa nasabing IG post ni Ciara.
Pakiusap ni Danica, “Please, ‘wag kayo dito mag-comment. Respect her account. May mga nasaktan man pero unfair na idamay n’yo siya pati ang pamangkin ko.
“Sorry if may mga na-hurt, but pls let her enjoy her vacation. Respect ang gusto n’yo, ‘di ba po? Pls also show her some respect.
“Walang sino man ang perfect sa atin. Pls don’t make this issue bigger by giving unnecessary comments.”
May ilan na nagtanggol kay Ciara at sinabing mali na idamay pati ang inosenteng anak nito sa isyu.
Meron ding mga sumang-ayon sa sinabi ni Danica at hindi na bumanat ng masasakit na comments.
Nagpasalamat si Nica sa isang single parent na nag-comment na disappointed din ito at devastated sa sinabi ni Tito Sen, pero napatawad na raw nito ang senador at lahat ay nagkakamali, so let’s all move on dahil nag-apologize na ito.
May ilang celebrities na tila uminit ang ulo sa isyu at merong iba na sa tindi ng galit ay MINURA-MURA pa si Tito Sen.
Isa sa pinakagusto naming reaksyon sa Sotto-Taguiwalo hullabaloo ay ang kalma post ni Iza Calzado kahapon na, “Sorry this is rather late, but I’d like to give a tight hug to all my single mother friends here and send love to all the single mothers in the world.
“Just my own way of balancing such a negative and derogatory remark that was made about single moms yesterday.
“Even if there was no intention to harm anyone, words are so powerful they can hurt others. Love and Light.”
Walang sinabi si Tito Sen na masama ang pagiging single mom, sino ba ang nagpalaki ng balita e di media din. Wala na bang ma report na kapaki pakinabang? nagsakayan pa ang mga showbiz at pati mga netizens na mababaw, kung single mom ka may mababago ba sa nangyare? ok na offend karamihan ng single mom but the message was taken out of context pinalaki lang nagsabi nga sya ng on the lighter side bago sya nagbiro.
Tama walang masama sa single mom pero bakit naging single mom? Kasi naano lang.