Tito Sen, sumugod sa MTRCB

Tito Sotto

DUMALO si Sen. Tito Sotto sa dialogue sa MTRCB kahapon kung saan pinag-usapan ang bintang sa kanyang “victim blaming” na inireklamo ng ilang netizens.

Ito ‘yung pinagsabihan niya ang babaeng “pa-shot shot na naka-shorts.”

Hindi dapat kasama sa naturang dialogue si Tito Sen dahil executives at staff lang ng Eat Bulaga ang inimbitahan.

Kaya nagulat ang mga taga-MTRCB sa pagdating ng senador.

Dumalo si Sen. Sotto para ipaliwanag ang kanyang panig sa isyung iyun.

Ani Tito Sen, “Hindi ako invited pero um-attend na rin ako to make myself clear. They watched the episode.

“Sa tingin ko, convinced sila na ‘yung mga sumulat ng reaction were relying on comments of those who did not even know the context of the issue.

“I explained to them that my my comment was simply saying that a married woman drinking with other men at night will be ‘mapapagbintangan ng asawa’!

“So what are they saying? That I am not allowed to practice the freedom of speech? I have no right to an opinion?

“I was merely after the protection of the institution of marriage.

“I’m sure pag napanood mo ‘yung totoo at hindi edited version, makikita mo na wala kaming inapi.

“In fact, the winner had fun.”

As of presstime, hinihintay pa namin ang statement mula sa MTRCB kung ano ang na-resolve sa naturang dialogue.

Pero sa tingin namin, naayos ang isyu at tinanggap ang paliwanag ng Eat Bulaga kaugnay sa isyung iyun.