Tito, Vic, Joey keber sa mga uban

Walang paki si Joey de Leon na nag-post ng photo collage kasama sina Tito at Vic Sotto na lumabas ang puting buhok ngayong lockdown.

“Meet DON VINCENTITO, DON BOCCIANO y DON GIUSEPPE @helenstito @pauleenlunasotto,” caption ng komedyante.

Tanggap naman ng kanilang mga follower na may uban na ang TVJ. Pinusuan din ito ni Danica Sotto-Pingris.

@rodriguezruby, “ Ang popogi in Fer!!! I love the white hair

@Monacabreralademora: “Ang gagwapo nyo po Boss Joey.”

@mayors_office_: “Walang kupas. the legends.”

@Tyrelstormg: “Hi Jo! Taob pa rin ang mga nag-aakalang papalit sa trono ninyo sa tanghali.” (IS)