Isang public school teacher na high-value target sa iligal na droga at tatlo pang katao ang nasakote sa anti-drug operation sa Dumalinao, Pagadian City.

Sa ulat ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office nitong Sabado, kinilala ang naarestong titser na si Ryan Gabunilas Cabilao na kabilang umano sa mga high-value target sa iligal na droga.

Nakilala naman ang tatlo niyang kasamahan na sina Edmundo Rais Abalos, Sweet Ann Basco Resuelo, at Mia Grace Buligan Pa­nganuran.

Naaresto sila dakong alas-9:30 Biyernes nang umaga sa loob ng isang hotel sa Brgy. Paglaum ng pinagsanib na grupo ng mga pulis at mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Nasamsam sa kanila ang nasa P34,000 halaga ng shabu.