Titser, estudyante todas sa motor

Todas ang isang titser at estudyante matapos bumalandra ang sinasakyan nilang motorsiklo sa palayan ng Barangay Canan, La Paz, Abra noong Linggo nang umaga.

Kinilala ng La Paz Municipal Police Station (LPMPS) ang biktimang sina Myra Ogoc Balino, 33, guro at pamangkin nitong back rider na si John Christian Ace Figares, 16, estudyante, kapwa taga-Barangay Bulbulala ng nasabing bayan.

Sa ulat ng LPMPS, minamaneho ni Balino sakay si Figares sa motorsiklo nang ma-flat ang unahang gulong nito.

Dito, nawalan ng kontrol sa manibela si Balino hanggang sa dumiretso at tumilapon sa palayan ang dalawa, ilang metro mula sa kalsada.

Ayon sa pulis, sa ma­lakas na pagtama nito ay nagtamo ng malalalim na sugat sa katawan at ulo ang mga biktima na siya nilang ikinasawi. (Allan Bergonia)